Thursday, October 30, 2008

Ad Astra Per Aspera (The Moymoy Palaboy Controversy part 3)




Nakakabilib talaga ang pag-angat ng dalawang magkapatid na ito mula internet hanggang sa mundo ng showbusiness, at ang kanilang pag-angat ay utang nila sa kanilang magaling na produksiyon at talento sa pagpapatawa (kahit sa pamamagitan lamang ng lip-synching). Mula sa simpleng tripping ng paggawa ng mga lip-synching videos hanggang sa pagiging regular na nila sa Bubble Gang, mas naging kilala sila at napatunayan nilang ang mga Pilipino ay may angking kakayahan na angat sa iba.

Kung iisipin, madali lang naman mag-upload ng mga videos sa Youtube. Ang kailangan lang gawin ay mag-register lamang doon, gumawa ng video sa sarili mong cam, at ikabit ng sabay ang kaparehong kanta at video sa pamamagitan ng Windows Movie Maker. Gan'on kasimple. marami na ngang gumawa nito at para mairespeto ang originality ng Moymoypalaboy brotehrs, ay ipinangalan nila ang mga ito na may mga katagang "inspired by moymoypalaboy."

Ngunit hindi parin matumbasan ng ibang mga gawa ang gawa nina roadfill at mpoymoy. May taglay na hiwaga ba ang kanilangma videos, o sadyang sa kanilang galing sa paglikha ay nanunuot na ito sa sense of humor ng nakararami?


Kaya cheers sa kanila, hold your hand up high, bros., but keep your eyes low, low, low, low..... ^_^

Wednesday, October 29, 2008

Mga Nakakatawang Tagpo kasama si Anty (A Moymoy Palaboy Controversy part 2)

Hindi naman yata sa lahat ng pagkakataon ay mukhang nayayamot itong si Anty sa mga pamangkin niya. May mga tagpo rin na nakakatawang panoorin ang tiyahin nila sa background at tila ineenjoy rin ang KJ niyang buhay. Napansin ko kasi, sa aking pagoobserba, na may mga unique at significant na mga moments na masasabi nating naeenjoy din naman ni Anty ang mga sandali kasama ng kanyang mga pamangkin. May mga napansin rin akong mga tagpo na masasabi kong nagkataon lang pero may malalim na kahulugan.

Heto ang isang halimbawa, sa video nilang Bartender.






Kung papanoorin ninyo ang video na ito, mapapansin ninyong naabutan ng chorus si Anty na may parang tinitimpla. Ang nakakatawa diyan ay, "bartender" ang kinakanta ng Moymoypalaboy duo at si Anty naman ay tila isa ngang Bartender sa likod nila. ^_^

At eto pa ang isa, ang pinakadabest na napanoood ko na tagpo kasama si Anty, sa kanta nilang Volare.









































































































O di ba? At least sinusulit ni Anty ang mga nasasayang na kuryente sa kaiinternet ng dalawang mokong na ito. Hindi nama pala ganun ka antipatika si Anty benny pero may gud side at "wild side" din pala siya. Hmmm, sa palagay ko, kung bibigyan lang pagkakataon ng dalawang to na si Anty Benny naman ang mag lip-synching, tiyak na bilyon bilyon ang manonood ng video niya sa Youtube. ^_^

Monday, October 27, 2008

Ang Kunsumisyon ni Anty (Da Moymoy Palaboy Controversy)









Lip-Synchers, Kapuso Mo, Jessica Soho, August 23, 2008

Okay lang na kainisan ng kasambahay, huwag lang kainisan ng buong sambahayan.^_^

Sikat na sikat na sa Youtube.com ang mga lip-synching videos ng magkapatid na roadfill at moymoy, at sila mas kilala sa tawag na Moymoy Palaboy duo. Kapwa taga Pasay City, milyon-milyon na ang nakapanood at nakasilip ng presentasyon ng dalawang ito at marami na ring mga foreigners ang nagsigawa ng kanila-kanilang sariling paglilip-synch ngunit hindi pa rin matutumbasan ang malikhaing paraan at karisma nina Moymoypalaboy at Roadfill sa paglilip-synch ng iba't ibang mga tugtugin. At siyempre, dahil sa mismong tahanan (na tinawag na nilang kanilang studio!) lang sila gumagawa ng kanilang mga mala-obra maestrang pagtatanghal, hindi maiiwasan na makunan rin sa video ang kanilang tiyahin na si Ginang Benny Obeso.

Maraming nagsasabing si Ginang Benny (o mas kilala sa tawag na Auntie Mommy, o Anty) ay estrikta at may kahigpitan sa dalawang palaboy dahil na rin sa impresyon nito sa harap ng camera (at cellphone video). Nagiging sakit na raw ng ulo ni Anty ang dalawa niyang pamangkin sa kanilang kagaguhang ginagawa sa Youtube. Nang dahil sa mga haka-hakang ito, aking sinuri mismo ang ilan sa mga videos ng moymoypalaboy duo kung totoo nga ba ang pakiramdam ng marami ukol kay Anty.

1.


Song: Bartender (By T-Pain)

Anty: "Ay sus Ginoo, anu ba tong mga batang ito, abay nakasheds na, i nasa loob naman ng bahay ah. Ah siguro masakit na ang mga mata sa kaiintirnit. Sus, wala na ngang magawa sa bahay ih disgrasya pa ang aabutin ng mga pamangkin ko. Kawawa naman nila oy."*

2.


Song: Ordertaker: By Parokya ni Edgar


Anty: "Sus Ginoo, hangaw talaga mga batang ito, na. ganito na ba mga kabatan-onan ngayon mga wayeld na talaga. Nakakatakot pala si dodong moymoy pag mag-wayeld parang sinasanib ng ebel esperet."*



3.

Song: Marimar (Thalia)


Anty: "Talaga naman walang magawa mga batang ito o alam naman nila na tumitingin ako ng tebe pinalakas pa sawnbaks ng kompyuter nila."*



4.

Song: Low (T-Pain)


Anty: "Asan naman si dodong moymoy? Mas mabuti pa na andito siya para siya ang magkontrol sa kapatid niya parang nabubuang na. Hmm, inom na muna ako ng tranquilizer as uswal"*




5.

Song: Girlfriend: By Avril Lavign


Anty: "Aba'y mga bayot naman pala ang mga batang ito"...*




Maaaring ikonklusyon ng iba na sina moymoy at roadfill ay mga irresponsable, manhid at walang delikadesa nang dahil sa nakikita nilang pasulpot- sulpot nilang tiyahin. Hindi raw marunogntumulong sa mga gawaing bahay ang dalawa at makikita raw na halos sa tuwing magluluto ang kanilang Anty Benny ay doon nila ginagawa ang kanilang trip. Meaning, lumalabas lamang ng kwarto o umuuwi lamang ang dalawang ito kung malapit na ang kainan, at dahil hindi pa luto ang pagkain ay nagpapalipas-oras sila sa pag-gawa ng lip-synch music video. Ngunit ang tanong ko, paano nila maipapaliwanag ang THE LION SLEEPS TONIGHT nila na lip-synch, kung saan halatang wala nang tao sa paligid at madilim na?


Ngunit para sa iba'y mas nakakadagdag kawilihan ang presensiya ni Anty sa mga lip-synch videos ng momoypalaboy duo. Ang kanyang hindi pagpansin sa kanyang dalawang pamangkin habang sila ay nagjajamming ay isang senyales lamang na kilalang-kilala na ni Tiya Benny ang kanyang mga pamangkin. Alam na niya ang mga taste nito at marahil sa isip niya, malalaki na ang mga ito upang sawayin at pagalitan (oo nga naman ano, hmmmmm... ^_^). Isa pa, sa ganang akin (according to my experiences din naman) ay hindi na masyadong nagpapansin ang ibang matatanda kung teknolohiya na ang pinag-uusapan.


Kaya kay Anty Benny, saludo kami sa inyo. Isa kang huwaran na Tiyahin! Aw!






* ang mga pahayag ay mga kathang isip lamang

Sunday, October 26, 2008

TANGinA, Aubrey, Ara, at Maui

Hep hep hep! Bago kayo mag-violent reaksiyons at mag-isip ng masama diyan, bayaan niyong ipaliwanag ko muna yung nakasulat sa itaas (Ang tangina ay ang tawag italyano sa taong tanga, at ginagamit ito para sa mga babae. Gaya ng senorita na hango sa senora na iginagawad sa mas nakababatang mga senora, ngunit sa paraang italyano hindi -ita ang ginagamit na hulapi kundi -ina. Kaya, Tanga -Tangina. O ha, ayos ba? Bow! :)

Ang mundo ay puno talaga ng katangahan. Mula kay Eba hanggang kay Bush, minumulto ng sangkaterbang katangahan ang buong kasaysayan ng tao. Kaya dapat masupil ito, at ang konting mantsa ng katangahan ay kailangang ibabad sa klorox na sampung beses na mas matindi pa kasya sa ordinaryong klorox.

At ito pa ang isang kwento ng katangahan na lalong naka-asim ng muskha ng inyong lingkod na pinoykritik:




Talaga namang di na ako nabigla sa katangahang nagawa ng tatlong aktres na ito. Si Aubrey (na kapatid ni Roderick Paulate sa pelikulang Pasiyam?), si Ara Mina na iniyakan ang "Bayang Magiliw" dahil sa "pagkainis' at si Maui Taylor na minsan na ring ginawang "tanga" ni Bryan Revilla . Ano ba ang isang common denominator ng tatlong mga tangengotas na ito?

Sila ay mga sexy actresses na minsan nang napasabak sa mga sexy scenes.

So mas tanga nga ba talaga ang mga artistang sumasabak sa mga sexy roles? Hindi naman siguro. Pero mas makitid lang (kuno) iyang mga aktres na iyan. Pero sa pagkakataong ito, personal na buhay na ang ipinahamak at ipinahiya ng tatlong mga boobita na mga ito(o mas bagay kaya na bobita, na spanish diminutive ng boba. XD) Noong taong 2004 ay pumirma umano ang tatlong tangengotas ng isang dokumento ng PAG-IBIG Fund na ang "akala" ng tatlo ay mag-eendorso na naman sila ng isang commercial property. Iyun pala, isang housing loan ang pinirmahan nila! Niloko umano sila ni Mommy Rose Flaminano na manager noon ni Gabby Concepcion.

Tsk tsk tsk, ang tanong, sisisihin mo ba ang isang maling akala upang maging inbalido ang isang aktwal na pirma?

Ito pa ang nasabi ng isang tanga, tingnan niyo:
“We trusted her. Maybe, we’ve learned our lesson. It's the first time na magkaroon ng ganito at magkakaroon ng case. If ever kasi ayoko sana sa lahat ng ganito, perwisyo ito. Ang gusto ko lang malinis ang pangalan namin,” Mina told “The Buzz” in a live interview Sunday. (from abs-cbnnews.com)

Ano? Ang katangahan ba, nalilinis? Ang nalilinis ay iyong mga paratang na ibinabato ng ibang tao sa iyo na hindi mo naman totoong ginawa. Iyon ang nalilinis sa pangalan upang manatiling maganda ang reputasyon. Pero ang pagiging tanga ba ay nalilinis? Baka naman ang ibig sabihin ay "kailangang maitama ang kamaliang nagawa namin". Ganun! Aminin na nilang naging tanga sila at dadamayan naman sila ng sambayanang Pilipino, hindi iyong nagmamarunong sila na dinaya daw sila. Sabagay, karapatan nila iyon, ang husgado na ang bahalang manghusga, at ang sambayanan mandin.

Oo't may pagkukulang marahil si Mommy Rose at hindi pa natin masusukat ang bigat ng pagkukulang na iyon. Pero hindi naman si Mommy Rose ang kamay nila, kundi kanilang sarili iyan. Ito ang sigurado, masyado silang nagtiwala at hindi nila binasa ang mga dokumento sa kadahilanang sanay na sila sa mga briefing ng mga T.V network representatives na kung saan ay ipapaliwanag ang pipirmahang kontrata bago pipirmahin, at sa pagpirma ay sabay sabog ng mga nakasisilaw na mga ilaw ng mga camera - kaya poise palagi at wala nang panahon para siyasatin ang dokumento.

Pero ang nakapagtataka ay pribado naman ang paglapit sa kanila ni Mommy Rose at walang camera. Ibig sabihin, kahit sa aktwal na buhay ay maaaring mga tangina na nga sila.





Kaya , payo ko nalang sa kanila at sa mga ka-blog ko na nagbabasa neto.


"Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili!" Huwag tularan ang mali. Hanggang sa muli!


Hindi lahat ng negatib ay masama, ayt! :)

Hello, isang panibagong sabak ko na naman ito sa mundo (blogomundo) ng mga ka-blog. At ang tema ng blog na ito, ay ang sumuway at magsuri sa mga mali na nakikita natin sa paligid. Huwag nga lang namang ituring akong isang KJ (killjoy) ng ilan, hehehe...

Sinasabi ng iba na ang mga taong KJ ay walang kabuluhan sa mundong ibabaw. Malala pa, sinasabi ng marami na ang mga negatibopng bagay ang siyang nagpapapait ng pamumuhay natin sa mundo. Ang negatibong aspeto ng karangyaan ay kahirapan. Ang negatibong aspeto ng mabuti ay ang masama. Samakatuiwd, ang negatibo ay iyong mga bagay na sumasalungat sa kung ano ang positibo, kaya masama ang negatibo. Tama kaya ang pananaw nilang ito?

Aaminin kong maraming mga negatibo o likong mga bagay ang hindi kaaya-aya at walang kwenta, ngunit huwag naman sanang lahatin na lahat ng negatibo ay masama. May mga negatibong bagay na nakabubuti rin, halimbawa, tulad ng resulta ng pagda-diagnosis ng sakit. Kung negatibo ang resulta, iyon ay isang magandang balita. Kung negatibo rin naman ng pananaw ng iba tungkol sa modernisasyon, nakakatulong din naman ito sa dahilang ang modernisasyon ay kadalasang nagdudulot ng kasamaan sa iba't ibang mga bagay gaya ng polusyon at pagkasira ng mga likas na yaman.

Sa blog na ito, hahalungkatin natin ang lahat ng mga "liko" at mga "maling akala" sa mga nakikita ng lipunan sa labas, sa kahit na anong aspeto, mapa-T.V, radyo, politika, sosyal na pamamaraaan atbp. May mga bagay na ang akala ng iba ay tama, ngunit kung titingnang mabuti, t******** mali pala. Hay naku, kelangang tawagin na si batman para jan..

Masayang pagKKJ sa inyong lahat! :)