Sunday, October 26, 2008

TANGinA, Aubrey, Ara, at Maui

Hep hep hep! Bago kayo mag-violent reaksiyons at mag-isip ng masama diyan, bayaan niyong ipaliwanag ko muna yung nakasulat sa itaas (Ang tangina ay ang tawag italyano sa taong tanga, at ginagamit ito para sa mga babae. Gaya ng senorita na hango sa senora na iginagawad sa mas nakababatang mga senora, ngunit sa paraang italyano hindi -ita ang ginagamit na hulapi kundi -ina. Kaya, Tanga -Tangina. O ha, ayos ba? Bow! :)

Ang mundo ay puno talaga ng katangahan. Mula kay Eba hanggang kay Bush, minumulto ng sangkaterbang katangahan ang buong kasaysayan ng tao. Kaya dapat masupil ito, at ang konting mantsa ng katangahan ay kailangang ibabad sa klorox na sampung beses na mas matindi pa kasya sa ordinaryong klorox.

At ito pa ang isang kwento ng katangahan na lalong naka-asim ng muskha ng inyong lingkod na pinoykritik:




Talaga namang di na ako nabigla sa katangahang nagawa ng tatlong aktres na ito. Si Aubrey (na kapatid ni Roderick Paulate sa pelikulang Pasiyam?), si Ara Mina na iniyakan ang "Bayang Magiliw" dahil sa "pagkainis' at si Maui Taylor na minsan na ring ginawang "tanga" ni Bryan Revilla . Ano ba ang isang common denominator ng tatlong mga tangengotas na ito?

Sila ay mga sexy actresses na minsan nang napasabak sa mga sexy scenes.

So mas tanga nga ba talaga ang mga artistang sumasabak sa mga sexy roles? Hindi naman siguro. Pero mas makitid lang (kuno) iyang mga aktres na iyan. Pero sa pagkakataong ito, personal na buhay na ang ipinahamak at ipinahiya ng tatlong mga boobita na mga ito(o mas bagay kaya na bobita, na spanish diminutive ng boba. XD) Noong taong 2004 ay pumirma umano ang tatlong tangengotas ng isang dokumento ng PAG-IBIG Fund na ang "akala" ng tatlo ay mag-eendorso na naman sila ng isang commercial property. Iyun pala, isang housing loan ang pinirmahan nila! Niloko umano sila ni Mommy Rose Flaminano na manager noon ni Gabby Concepcion.

Tsk tsk tsk, ang tanong, sisisihin mo ba ang isang maling akala upang maging inbalido ang isang aktwal na pirma?

Ito pa ang nasabi ng isang tanga, tingnan niyo:
“We trusted her. Maybe, we’ve learned our lesson. It's the first time na magkaroon ng ganito at magkakaroon ng case. If ever kasi ayoko sana sa lahat ng ganito, perwisyo ito. Ang gusto ko lang malinis ang pangalan namin,” Mina told “The Buzz” in a live interview Sunday. (from abs-cbnnews.com)

Ano? Ang katangahan ba, nalilinis? Ang nalilinis ay iyong mga paratang na ibinabato ng ibang tao sa iyo na hindi mo naman totoong ginawa. Iyon ang nalilinis sa pangalan upang manatiling maganda ang reputasyon. Pero ang pagiging tanga ba ay nalilinis? Baka naman ang ibig sabihin ay "kailangang maitama ang kamaliang nagawa namin". Ganun! Aminin na nilang naging tanga sila at dadamayan naman sila ng sambayanang Pilipino, hindi iyong nagmamarunong sila na dinaya daw sila. Sabagay, karapatan nila iyon, ang husgado na ang bahalang manghusga, at ang sambayanan mandin.

Oo't may pagkukulang marahil si Mommy Rose at hindi pa natin masusukat ang bigat ng pagkukulang na iyon. Pero hindi naman si Mommy Rose ang kamay nila, kundi kanilang sarili iyan. Ito ang sigurado, masyado silang nagtiwala at hindi nila binasa ang mga dokumento sa kadahilanang sanay na sila sa mga briefing ng mga T.V network representatives na kung saan ay ipapaliwanag ang pipirmahang kontrata bago pipirmahin, at sa pagpirma ay sabay sabog ng mga nakasisilaw na mga ilaw ng mga camera - kaya poise palagi at wala nang panahon para siyasatin ang dokumento.

Pero ang nakapagtataka ay pribado naman ang paglapit sa kanila ni Mommy Rose at walang camera. Ibig sabihin, kahit sa aktwal na buhay ay maaaring mga tangina na nga sila.





Kaya , payo ko nalang sa kanila at sa mga ka-blog ko na nagbabasa neto.


"Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili!" Huwag tularan ang mali. Hanggang sa muli!


No comments: