Sunday, October 26, 2008

Hindi lahat ng negatib ay masama, ayt! :)

Hello, isang panibagong sabak ko na naman ito sa mundo (blogomundo) ng mga ka-blog. At ang tema ng blog na ito, ay ang sumuway at magsuri sa mga mali na nakikita natin sa paligid. Huwag nga lang namang ituring akong isang KJ (killjoy) ng ilan, hehehe...

Sinasabi ng iba na ang mga taong KJ ay walang kabuluhan sa mundong ibabaw. Malala pa, sinasabi ng marami na ang mga negatibopng bagay ang siyang nagpapapait ng pamumuhay natin sa mundo. Ang negatibong aspeto ng karangyaan ay kahirapan. Ang negatibong aspeto ng mabuti ay ang masama. Samakatuiwd, ang negatibo ay iyong mga bagay na sumasalungat sa kung ano ang positibo, kaya masama ang negatibo. Tama kaya ang pananaw nilang ito?

Aaminin kong maraming mga negatibo o likong mga bagay ang hindi kaaya-aya at walang kwenta, ngunit huwag naman sanang lahatin na lahat ng negatibo ay masama. May mga negatibong bagay na nakabubuti rin, halimbawa, tulad ng resulta ng pagda-diagnosis ng sakit. Kung negatibo ang resulta, iyon ay isang magandang balita. Kung negatibo rin naman ng pananaw ng iba tungkol sa modernisasyon, nakakatulong din naman ito sa dahilang ang modernisasyon ay kadalasang nagdudulot ng kasamaan sa iba't ibang mga bagay gaya ng polusyon at pagkasira ng mga likas na yaman.

Sa blog na ito, hahalungkatin natin ang lahat ng mga "liko" at mga "maling akala" sa mga nakikita ng lipunan sa labas, sa kahit na anong aspeto, mapa-T.V, radyo, politika, sosyal na pamamaraaan atbp. May mga bagay na ang akala ng iba ay tama, ngunit kung titingnang mabuti, t******** mali pala. Hay naku, kelangang tawagin na si batman para jan..

Masayang pagKKJ sa inyong lahat! :)

No comments: