Monday, November 10, 2008

Ambobo commercial again: Connected 24 ever ng Globe





Isa na namang katangahan sa paraan ng pagpapatalastas ang nais kong iputok ng butse ko sa inyo. Isang babaeng nag-eemote nang dahil sa nagkasalang boyfriend ang nasa scene with her two girlie pals at biglang nag-ring ang cellphone niya. Boyfriend niya ang tumatawag. Sinabi ng isang friend niya na tumatawag ang boyfriend niya, ang sabi naman ng nag-eemote na girl ay "Wala na akong boyfriend!" at ang sekan de mosyon naman ng isa pang girlie friend nya ay "korek!"

Ano bang ambobo sa komersyal na ito? Walang ultimo seryoso in da sense na normal naman ang setting at ang Filipino trait na inilalahad ay alam naman nating nangyayari talaga: iyong sa magsyota ay may nagawang kasalanan ang boy na ikinasad ng girl at sa housie ng girl ay may karamay siyang dalawa siyang klase ng kaibigan, ang optimistic friend na pro-boy concern at ang pessimist friend na contra-boy. Nangyayari ito sa ating mga kabataan

So ano nga ba ang ambobo rito, kung tatanungin niyo ako. Heto. Sinagot ng friend ng girl ang cellphone at sinabi ng boy na tumingin sa labas. At ano bang sumambulat sa kanila? ISa fireworks display na nagfoform ng isang SORRY word sa madilim na city skylie..

Ano ba talagang ambobo? Ang ambobo diyan ay ang dalawang kasama ng boy na mga boy rin, at may kanya kanayang gitara na pormang manghaharana!

Iyon ang bobo! Bakit kelangan pang magdala ng gitara kung mas maingay pa sa paltik ng gitara iyong mga putukan ng fireworks? At bakit dalawa pa? Ano ang sense ng commercial na ito kung ang ipinapakita nito ay isang exaggerated display not of the fireworks but also sa "Harana" tradition ng mga Pilipino? Do we distort the tradition with insensibility?

Pag-isipan niyo, hindi ba, ambobo?

Friday, November 7, 2008

Ambobo.tk, Imitation and Parody ng Ambibo.com

Well, isang ad hoc measure ko ay ang palitan ang aking domain name,kaso wala akong maisip na magandang ipalit. Naubusan na kasi ako ng ideya sa kasusunog ng kilay, nasama na siguro pati utak. Pero kelangan ko talagang palitan dahil magiging "cliche" nalang ang pangalan ng site ko sa kadahilanang nakuha na ang ideyang ito ng iba.

At yun nga, kinuha ko ang ideyang ito mula sa Zanortean Website, ang Ambibo.com.




Heheheh, saan kaya nila galing yang ideya nila na Ambibo? Siguro, galing yan kay Lando Bibo, sikat na tawag namin sa aming butihing gobernador (at ng benefit program niya sa mga mahihirap) na siyang nagpasimula ng lahat ng kabibuhan namin ngayon dito sa Zanorte. Siya ang nagpasimula ng festival namin na Hudyaka Zanorte. Sa kanyang pangalan din nauso ang ipinalayaw namin sa aming probinsiya: ang salitang Zanorte.




Kaya halata naman eh, kay Gobernador Rolando Yebes hango yang ambibo. Siguro, ang ibig sabihin ng Am- diyan sa salitang Ambibo ay hndi lang iyong madals natin banggitin na "Ambibo!" (pinaikli ng "ang bibo") kundi ang ibig sabihin niyan ay American Bibo. Worldwide kasi ang website at halatang may correspondents sila sa Chicago. How cute! Diyan din nagtratrabaho ang mga relatives ko especially my Uncle Boy and Auntie Lea ^_^

Eh di ko naman pwedeng kunin rin ng buo ang domain name ng Ambibo.com at baka mademanda pa ako ng plagiarism. Naisip kong gawin ko nalang "ambobo" ang domain name ko dahil di naman ako bibong tao. Bobo pwede pa ^_^. Atsaka, ang tema ng blog ko ay ang mang-kritisays (criticize ha, baka maguluhan kayo) at sa pagkrikritisays ay siyempre ang huhusgahan mo eh yung mga bobo ng lipunan, showbiz, ng society atbp. O di ba, Ambobo nga?


kaya yan, me bagong domain na ako. Welcoming bash para sa aking bagong domain...




http://ambobo.tk ^_6

I need to reconstrct my blog. Kung bakit? Heto basahin mo..






Hay, napag-alaman kong wala pala akong originality. Para sa akin kasi ang taong walang originality ay walang sentido komon at walang matatag na adhikain sa buhay. Bakit? Eh paano kung ang kapitbahay mo ay nakita mong nag-alaga ng mga manok, at pagkaraan ng mga panahon ay umusbong ang libangan niyang iyon at umangat ang buhay nila, tapos gagayahin mo ang ginawa ng kapitbahay mo sa panahong may nakita kang magandang epekto sa pag-aalaga niya ng mano.? Okay lang iyon kasi nalaman mong nakaka-angat ng pamumuhay ang mag-alaga ng manok.

Eh paano kung ganito ang sitwasyon, kung kabibili lang ng mga sisiw yung kapitbahay mo kahapon, tapos ikaw naman ang bumili ng sisiw ngayon, may magandang dahilan ka ba para bumili ng sisiw? Hindi ba lalabas na naiinggit ka at wala pa namang sapat na dahilan upang bumili ka ng sisiw kundi nakita mo lang ang kaptbahy mo na bumili ng sisiw?

O di ba? kaya pangit ang walang originality...


Sa pangalan naman ng blog kong ito, nalaman ko na may sarili na palang domain ang ideyang panagalan nito. Heto o.



http://www.pinoykritik.com

O diba, nakakahiya naman, kahit na pareho lang na taon namin itinatag ang magkapareho naming mga domain names, eh nakakahiya pa ring amining mas nauna siya sa pagtatg niyaon. Haay naku..



Eto pang isa, sa Multiply.com

http://pinoykritik.multiply.com/

Hidni ako yan pero naunahan pa rin niya akong gumawa ng multiply site, hay naku, talaga naman o...

Kaya minabuti kong ireconstruct ko ang aking site at mag-isip ng bagong ideal name para sa blog ko..


O di ba, at least may delicadesa ako, ^_^

Reconstruction of Blog





Will be busy reconstructing in three days.

Thursday, November 6, 2008

Pagsasa-ayos ng Mali






May mga bagay sa mundo na hindi natin kailangang sabihin pa, tulad ng "pangit ang anak mo", o "hindi ka nagtagumpay sa buhay", o nagkamali ka sa una mong pag-ibig at siya ang "nakauna sa iyo". Totoo nga ngunit hindi kanais-nais pakinggan kaya hindi dapat na isalita pa.


Kani-kanina lang, isang tapat at mabuting kaibigan ang nagpabigay-pansin sa akin sa isang di binigyang puna kong isyu. May nakapuna pala sa isa kong write-up rito na sa ganang akin naman ay hindi naman ganoon ka "offensive" at for me ay "just for Mother Critic's sake" lang. Pero underlying that seemingly innocent word ay mga kritiko rin na magsisilbing gabay sa isang kritik na tulad ko ^_^







Binura ko na ang "N" word sa aking unang post tungkol kay Obama. Pero ang nakapagtataka, hindi naman ito ganoong kaiba para sa atin. Ang pagsasabi natin ng "N" word na iyon ay in the sync na rin ng pagsabi ng mga Amerikano ng "Black" kay Obama ayon sa kanilang lengguahe. Eh ano ba ang salitang "Negro?" Di ba hango ito sa salitang espanyol na ang kahulugan ay "itim"? Ngayon, kung ang mga Amerikano ay nakapagsasabi kay Pres. Barack Obama ng "Black President", wala ba tayong kakayahan na tawagin rin siya ayon sa ating paraan ng pananalita na "Negrong Presidente?" Iba naman siguro ang sense of speech sa Amerikanong "nigger" sa Pilipinong "negro"

Totoo naman di ba? Kaugnay niyan, bigla kong natandaan ang eksenang ito:








Pero out or courtesy ay tatanggapin ko ang carelessness kong ito. Ika nga ng kantang naririnig niyo "Di mo na kailangan mag-alinlangan kung tama ang gagawin mo, basta't huwag kalimutan magdahan-dahan kung di sigurado sa kalalabasan ng binabalak mo.." Ouch, sinundot ako ng sarili kong kanta, hehehe. Peace!

Robin Padilla; Liveraide Ad




Sa mundo ng patalastas, kung gusto ng mga advertisers na pumatok sa masa ang kanilang mga ads, kelangan maganda ang istilo ng patalastas.

At siyempre, hindi mawawala ang endorser. Kelangan isang sikat na artista ang mag-eendorse ng produckto upang tangkilikin ng marami.

Pero pano ba to? May naamoy na naman na di tama ang inyong lingkod, lalo na sa lagi kong napapanood na commercial ni Binoy (Robin Padilla) na Liveraide Capsule ad?


Eto ang setting ng ad. Biglang pumasok si Robin sa isang bar. Maraming nakapansin sa kanya, may nagsabing "Pare, si Idol". Tapos inalok siyang uminom. Ngunit umayaw si Robin at sinabi





Robin: Tubig lang p're

(Tao: hindi ka na umiinom?)

Robin: Good boy na to-its
Nasobrahan ako sa alak... nakasama sa atay ko





Ngee?? Napanganga ako. Eh bakit siya pumasok pa ng bar eh wala naman pala siyang balak uminom??

Anong ginagawa ni Robin sa bar? Magpapasikat na hindi na siya umiinom?

Hindi kaya nainsulto niya ang tao dun na umiinom??


Naku Binoy ha, bago ka tumanggap ng offer ng isang komersyal, eh kelangan tingnan mo muna kung tama ba yung setting at kung katanggap-tanggap ba ang sentido't paraan, naku, eh baka mapasama ka pa sa iba nyan.



Robin: It's liver lover, boy!



Para ka namang naghahanap ng away nyan eh! Hnngggg...