Monday, November 10, 2008

Ambobo commercial again: Connected 24 ever ng Globe





Isa na namang katangahan sa paraan ng pagpapatalastas ang nais kong iputok ng butse ko sa inyo. Isang babaeng nag-eemote nang dahil sa nagkasalang boyfriend ang nasa scene with her two girlie pals at biglang nag-ring ang cellphone niya. Boyfriend niya ang tumatawag. Sinabi ng isang friend niya na tumatawag ang boyfriend niya, ang sabi naman ng nag-eemote na girl ay "Wala na akong boyfriend!" at ang sekan de mosyon naman ng isa pang girlie friend nya ay "korek!"

Ano bang ambobo sa komersyal na ito? Walang ultimo seryoso in da sense na normal naman ang setting at ang Filipino trait na inilalahad ay alam naman nating nangyayari talaga: iyong sa magsyota ay may nagawang kasalanan ang boy na ikinasad ng girl at sa housie ng girl ay may karamay siyang dalawa siyang klase ng kaibigan, ang optimistic friend na pro-boy concern at ang pessimist friend na contra-boy. Nangyayari ito sa ating mga kabataan

So ano nga ba ang ambobo rito, kung tatanungin niyo ako. Heto. Sinagot ng friend ng girl ang cellphone at sinabi ng boy na tumingin sa labas. At ano bang sumambulat sa kanila? ISa fireworks display na nagfoform ng isang SORRY word sa madilim na city skylie..

Ano ba talagang ambobo? Ang ambobo diyan ay ang dalawang kasama ng boy na mga boy rin, at may kanya kanayang gitara na pormang manghaharana!

Iyon ang bobo! Bakit kelangan pang magdala ng gitara kung mas maingay pa sa paltik ng gitara iyong mga putukan ng fireworks? At bakit dalawa pa? Ano ang sense ng commercial na ito kung ang ipinapakita nito ay isang exaggerated display not of the fireworks but also sa "Harana" tradition ng mga Pilipino? Do we distort the tradition with insensibility?

Pag-isipan niyo, hindi ba, ambobo?

2 comments:

louie said...

Wahahahahahahahaha!!!

bigdumbface45 said...

ambobo ng grammar mo.