Saturday, November 1, 2008

UNDAS Spot!



Haay.. kakapagod ang ginawa namin nitong mga araw. Nagpunta kami sa sementeryo upang maglinis ng mga puntod at ng mga libingan ng mga sumakabilang buhay na. Buti nalang di na katulad nung mga nakaraang taon, ang mga ibang puntod ay nilagyan na ng marmol ng mga relatives ko, maliban sa isa (o dalawa), kaya kasama ang lolo ko ay nagdala pa rin kami ng pinturang puti, brush, itak at mga bulaklak.

Ayun, nung parating kami sa sementeryo ng Manukan, Zamboange del Norte (October 31 noon) ay sinalubong kami ng mga ugong ng mga chainsaw na nagpuputol ng mga tubong tumurok sa mga nitso. Hay naku, kung bakit pa naman angs ementeryong ito ay mapuno at maniyog, kaya taon taon eh hapong-hapo ang pumupunta rito dahil sa dami ng lilinisin. Ang mas malubha pa, may mga lampinig (putakti sa tagalog, wasps in English) na tumira na sa mga bukas o may butas na mga nitso at kamuntik na rin na madarang ko ang isa sa mga nitso dun na may lampinig! Ang sakit pa naman ng sting nila, lalo na kung sa mata tatama. Naisip ko, bakit kaya nila paboritong punteryo eh yung mata? Siguro may isip sila at parang sinasabing "Bulag ka ba? Kung di mo man lang magamit yang mata mo eh hwuag mo nang gamitin!" ^_^


Ang nakakirita sa paglilinis ng mga nitso ay kung sa kadamutan ng pagkakataon eh nagkaroon ka ng isang kamag-anak na inilibing sa lupa at napapaligiran ng mga nitso. Worse, kung ang sementeryo ay mahalaman at mapuno, kung saan kailangan talagang maglinis para sa darating na undas. nakakirita in the sense na lahat ng pinaglinisang mga dahon, sanga at mga buko (maraming buko sa sementeryo namin) ay doon natatambak sa libingan ng kamag-anak namin! Ewwww talaga , as in. Maulan-ulan pa naman at habang naglilinis ay para kaming mga Scene of the Crime Operatives o CSI team na naghahalukay ng mga bungo (remember iyong mga buko?)

Yaaackiidudles!!!!!!

Pero kahit nakakapagod ang magpinta, ang maglinis, at maghakot ng dumi sa sementeryo, sulit naman ito sa puso ng mga naiwan. Ito'y isa nang tradisyon na dapat tumagal sa kaugalian ng mga Pilipino. Pinapatunayan nito ang di magmamaliw na pag-alaga at pagmamahal ng mga naiwan, kahit pa nasa kabilang buhay na ang mga mahal sa buhay na namayapa na. ^_^ Nawa'y di makalimutan ng mga tao ang kanilang mga yumao sa tuwing darating ang Undas




No comments: