Friday, November 7, 2008

I need to reconstrct my blog. Kung bakit? Heto basahin mo..






Hay, napag-alaman kong wala pala akong originality. Para sa akin kasi ang taong walang originality ay walang sentido komon at walang matatag na adhikain sa buhay. Bakit? Eh paano kung ang kapitbahay mo ay nakita mong nag-alaga ng mga manok, at pagkaraan ng mga panahon ay umusbong ang libangan niyang iyon at umangat ang buhay nila, tapos gagayahin mo ang ginawa ng kapitbahay mo sa panahong may nakita kang magandang epekto sa pag-aalaga niya ng mano.? Okay lang iyon kasi nalaman mong nakaka-angat ng pamumuhay ang mag-alaga ng manok.

Eh paano kung ganito ang sitwasyon, kung kabibili lang ng mga sisiw yung kapitbahay mo kahapon, tapos ikaw naman ang bumili ng sisiw ngayon, may magandang dahilan ka ba para bumili ng sisiw? Hindi ba lalabas na naiinggit ka at wala pa namang sapat na dahilan upang bumili ka ng sisiw kundi nakita mo lang ang kaptbahy mo na bumili ng sisiw?

O di ba? kaya pangit ang walang originality...


Sa pangalan naman ng blog kong ito, nalaman ko na may sarili na palang domain ang ideyang panagalan nito. Heto o.



http://www.pinoykritik.com

O diba, nakakahiya naman, kahit na pareho lang na taon namin itinatag ang magkapareho naming mga domain names, eh nakakahiya pa ring amining mas nauna siya sa pagtatg niyaon. Haay naku..



Eto pang isa, sa Multiply.com

http://pinoykritik.multiply.com/

Hidni ako yan pero naunahan pa rin niya akong gumawa ng multiply site, hay naku, talaga naman o...

Kaya minabuti kong ireconstruct ko ang aking site at mag-isip ng bagong ideal name para sa blog ko..


O di ba, at least may delicadesa ako, ^_^

No comments: