Thursday, November 6, 2008

Robin Padilla; Liveraide Ad




Sa mundo ng patalastas, kung gusto ng mga advertisers na pumatok sa masa ang kanilang mga ads, kelangan maganda ang istilo ng patalastas.

At siyempre, hindi mawawala ang endorser. Kelangan isang sikat na artista ang mag-eendorse ng produckto upang tangkilikin ng marami.

Pero pano ba to? May naamoy na naman na di tama ang inyong lingkod, lalo na sa lagi kong napapanood na commercial ni Binoy (Robin Padilla) na Liveraide Capsule ad?


Eto ang setting ng ad. Biglang pumasok si Robin sa isang bar. Maraming nakapansin sa kanya, may nagsabing "Pare, si Idol". Tapos inalok siyang uminom. Ngunit umayaw si Robin at sinabi





Robin: Tubig lang p're

(Tao: hindi ka na umiinom?)

Robin: Good boy na to-its
Nasobrahan ako sa alak... nakasama sa atay ko





Ngee?? Napanganga ako. Eh bakit siya pumasok pa ng bar eh wala naman pala siyang balak uminom??

Anong ginagawa ni Robin sa bar? Magpapasikat na hindi na siya umiinom?

Hindi kaya nainsulto niya ang tao dun na umiinom??


Naku Binoy ha, bago ka tumanggap ng offer ng isang komersyal, eh kelangan tingnan mo muna kung tama ba yung setting at kung katanggap-tanggap ba ang sentido't paraan, naku, eh baka mapasama ka pa sa iba nyan.



Robin: It's liver lover, boy!



Para ka namang naghahanap ng away nyan eh! Hnngggg...

Wednesday, November 5, 2008

Isang personal na liham para kay Pareng Barack (Obama)




Mahal kong Pareng Barack,


Watsup Pare! Ang layo na ng narating mo! Lagi nalang kitang nakikita sa T.V. at naririnig sa mga usap-usapan ng iba, lalo na kung mapapadaan ako sa coffee shoppe kun saan wi-fi, ay sos! nakikita ko iyong mga gurang na tumatawa habang tinitingnan iyong pictyur mo sa laptop nila. Siguro kilala ka rin nila. Ewan ko, kung makita man kita sa internet eh hinde ko na makita sa iyo 'yung mga panahon nakasuot ka lang ng sando na mas maitim pa sa balat mo (sabi mo para pumuti ka ng bahagya, whehehehehe)

Anyweyz, kumusta ang buhay Amerika? Siguro ibang iba kaysa sa buhay mo dati rito , ano? Andyan ka na at laging naka tuxedo eh kamukha na nga kayo nung partner ni Jackie Chan (sino nga ba iyun?). Siguro eh hindi na rin dating bigas at paksiw na palakang boyfrog ang lagi mong kinakain riyan, ano? Layo na nga ng narating mo, malayo ka na ngayon sa mga lugar na masusukal kung saan nanghuhuli tayo noon ng kamaro para lutuin ng Inang ko. Sinasahog pa nga natin sa minatamis na dayok (alam mo pa ba iyon, iyong priniseba na lamang loob ng isda?) iyong kanin natin. Hu, kung nakita mo lang iyong reaksiyon mo nung matikman mo iyung dayok kong sinekreto kong lagyan ng sili para makain mo, sigurado hindi mo matitiis na kumandarapa sa katatawa. Ewan ko lang kung kaya mong pagtawanan sarili mo, hahahahaha..XD

Heheheh, natatandaan mo pa nung magkasama tayong nanghuhuli ng tilapya sa may kangkungan. Sabi mo gusto mong maging politiko. Nagtanong naman ako sa iyo kung bakit eh magulo ang buhay ng isang politisyan. Sabi mo gusto mong makatulong sa mga mahihirap. Natawa ako noon kasi andami na kasing gumamit ng linya na iyun. Dinagdag mo naman na mas maraming pera ang isang politiko kaysa sa ibang taong nagtratrabaho, kesa maging employee eh mas gusto mong maging boss. Alam mo bang napabilib ako sa sinabi mong iyon? Kase, nagsabi ka sa wakas ng totoo eh ^_^.. Tapos dinagdag mo pa na kahit panget ka ay magkakaroon ka ng isang magandang asawa kung naging politiko ka. Sinabi ko naman nun na hindi ka naman panget. Inupakan mo pa nga ako nun eh, sakit ng ulo ko alam mo ilang araw akong bangag sas betet. Pero natawa din ako kasi ayaw mo pala akong magsinungaling. Oo, hehehe, natatandaan ko lahat iyon, iyon sinabi mong magkakaroon ka ng isang magandang asawa, mas natatandaan ko ito ngayon kaysa noon lalo na nung makita ko nga ang naging asawa mo:



^_^ At least natupad ang pangarap mong mag-asawa.


Well, what can I say about you? Yu are just the way u r. Hehehe, galing ng Inglish ko no peo mas madali yata yung tex English. Pare, Na-shock talaga ako nung marinig kong tatakbo kang presidente ng Tate. Napa "Haaaaaaa???" talaga ko non. eh kasi , alam kong istayl mo eh. Gusto mong maging free ang mga tao gaya na gusto mo talagang pakawalan iyong mga inahin at mga sisiw dahil sabi mo mamatay iyong mga sisiw sa lamig sa ilalim ng bahay kahit na andyan ang nanay nila. Hindi na rin ako nagtaka dun sa pananaw mo sa aborsiyon. Mahilig ka kasing manghuli ng mga palaka atsaka pag hinawakan mo at may itlog sa loob, minamasaker mo ang palaka at inihahagis mo ang mga itlog sa nakasabit na palda ng lola mo. Lagi ka ngang napapagalitan eh. Pero iba na ngayon p're, hindi na palaka iyang mga nasasakupan mo.

Pare, ngayong presidente ka na, padala ka naman kahit minsan o, kahit kiniskis na pintura lang nung White House, para souvenir lang. Hindi ka ba naiilang sa bahay na iyan? White house ang tawag diyan tapos ang itim-itim mo. Pintahan mo kaya ng itim na pintura na mas maitim kaysa sa balat mo. Tapos pagsabihan mo in si Mareng Michelle na huwag magsusungit pag nasa bahay at baka mapagkamalang haunted haws yang bagong tahanan niyo. ^_^



Ang iyong kababatang minsang ipinagdasal kang hindi manalo,


Pinoy Kritik.

Nanalo si Obama



Sa wakas, matatapos na rin ang mga usaping Bayawak Obama, este , Barack Obama at John Matsing, este .. John McCain pala. Siya ang record holder ng Estados Unidos na pinakaunang black American na naging Presidente. Natapos na rin ang pinakamatagal at pinakamagastos na kampanya ng dalawang panig at tumatak sa kasaysayan ang kaganapang ito. Ika nga, this election made history.

Maganda nga naman ang mga plata porma de gobyerno ni Obama: isalba ang naghihikahos na ekonomiya ng Estados Unidos mula sa kinalulugmukan nitong financial crisis, ayusin ang dalawang digmaang nakalutang sa ere, at ang suportahan ang layunin upang masugpo ang sa global warming. Maigi rin si Obama sa mga Pilipino dahil lumaki siya sa Indonesia na nasa Timog silangang Asya kaya malapit siya sa mga Pilipino ^_^


Pero huwag nating kalilimutan ang kaniyang pangako na sinabi niya noon, na una niyang gagawin sa tuwing siya'y magiging presidente.




Na ang ibig sabihin ay abortion, euthanasia at contraceptives.



Well, good luck nalang, Amerika. ^_^

Sunday, November 2, 2008

The Aswang Story


Once there was an aswang na lilipad-lipad sa himpapawid. Araw ng mga patay noon, at balak ng aswang na ito na makipag romansa sa eroplano? Makaya kaya niya?

itutuloy... ^_^

Blank Title

Blank

Ano ba talaga? November 1 o November 2?



Siguro ay hindi na iba sa inyo ito. May pumupunta ng sementeryo tuwing Nobyembre uno at meron din naman tuwing Nobyembre dos. Pero bakit ba ang dalawang araw na ito ang ginawang mga araw na bisitahan para sa mga patay? Ano ang mga basehan? At kung pipili lang ng isang araw para bumisita sa mga yumaong mga mahal sa buhay, ano kaya ang mas maigi? Tingnan natin ang mga mahahalagang impormasyon.

All Saints' Day ang katawagan sa unang araw ng Nobyembre. Dito nagsisimula ang pagpunta ng mga tao (maliban nalang sa mga nauna na kahapon na pumunta upang maglinis ng mga nitso) dahil ito ang Araw ng kapistahan ng mga santo. Dahil nga sa kapistahan ng mga banal, mas epektibo raw ang magdasal para sa mga yumaong mga mahal sa buhay dahil mas sagana ang grasya ng Diyos para sa mga namayapa na. Marami rin ang pumupunta na ng sementeryo tuwing Nobyembre uno dahil official holiday ito ng bansa. Samakatuwid, walang opisina sa araw na ito. Dito mas nakakabisita ang mga tao dahil na rin sa mas kailangan ng mga tao ang pagmumuni muni sa araw na ito at ang pagmumuni muni nilang ito ang siyang nagbibigay diwa sa Undas. Oo nga naman, buong araw silang walang opisina kaya buong araw din silang nakatunganga sa sementeryo at walang magawa kundi kumain, makipagkwentuhan at gumawa ng bolang kandila.

Sa tuwing Nobyembre dos naman ay may nagpupunta rin ( at di biro din ang dami ng pumupunta sa araw na iyan) sa kadahilanang ang araw na ito ay tinatawag na "Araw ng mga kaluluwa" o All Soul's Day sa Ingles. Siyanga naman, mga patay ang pinupuntahan natin at hindi rin natin alam kung naging santo ba ang mga mahal natin sa buhay kaya para to play safe ay sa All Souls' Day nalang pumunta (^_^). Dito mas nafefeel ng mga debotong Nov 2'ers ang essensyal na panahon ng pagmumuni-muni. Siguro'y dahil may iba talagang tao na takot isipin ang mga santo dahil sa takot na hatulan ang sarili kung nakagawa ba ng mabuti sa buhay o hindi.

Ba, ang pagkakaalam ko ay mas marami ang takot na mag-isip ng kaluluwa. ^_^

Saturday, November 1, 2008

UNDAS Spot!



Haay.. kakapagod ang ginawa namin nitong mga araw. Nagpunta kami sa sementeryo upang maglinis ng mga puntod at ng mga libingan ng mga sumakabilang buhay na. Buti nalang di na katulad nung mga nakaraang taon, ang mga ibang puntod ay nilagyan na ng marmol ng mga relatives ko, maliban sa isa (o dalawa), kaya kasama ang lolo ko ay nagdala pa rin kami ng pinturang puti, brush, itak at mga bulaklak.

Ayun, nung parating kami sa sementeryo ng Manukan, Zamboange del Norte (October 31 noon) ay sinalubong kami ng mga ugong ng mga chainsaw na nagpuputol ng mga tubong tumurok sa mga nitso. Hay naku, kung bakit pa naman angs ementeryong ito ay mapuno at maniyog, kaya taon taon eh hapong-hapo ang pumupunta rito dahil sa dami ng lilinisin. Ang mas malubha pa, may mga lampinig (putakti sa tagalog, wasps in English) na tumira na sa mga bukas o may butas na mga nitso at kamuntik na rin na madarang ko ang isa sa mga nitso dun na may lampinig! Ang sakit pa naman ng sting nila, lalo na kung sa mata tatama. Naisip ko, bakit kaya nila paboritong punteryo eh yung mata? Siguro may isip sila at parang sinasabing "Bulag ka ba? Kung di mo man lang magamit yang mata mo eh hwuag mo nang gamitin!" ^_^


Ang nakakirita sa paglilinis ng mga nitso ay kung sa kadamutan ng pagkakataon eh nagkaroon ka ng isang kamag-anak na inilibing sa lupa at napapaligiran ng mga nitso. Worse, kung ang sementeryo ay mahalaman at mapuno, kung saan kailangan talagang maglinis para sa darating na undas. nakakirita in the sense na lahat ng pinaglinisang mga dahon, sanga at mga buko (maraming buko sa sementeryo namin) ay doon natatambak sa libingan ng kamag-anak namin! Ewwww talaga , as in. Maulan-ulan pa naman at habang naglilinis ay para kaming mga Scene of the Crime Operatives o CSI team na naghahalukay ng mga bungo (remember iyong mga buko?)

Yaaackiidudles!!!!!!

Pero kahit nakakapagod ang magpinta, ang maglinis, at maghakot ng dumi sa sementeryo, sulit naman ito sa puso ng mga naiwan. Ito'y isa nang tradisyon na dapat tumagal sa kaugalian ng mga Pilipino. Pinapatunayan nito ang di magmamaliw na pag-alaga at pagmamahal ng mga naiwan, kahit pa nasa kabilang buhay na ang mga mahal sa buhay na namayapa na. ^_^ Nawa'y di makalimutan ng mga tao ang kanilang mga yumao sa tuwing darating ang Undas