Friday, November 7, 2008

Ambobo.tk, Imitation and Parody ng Ambibo.com

Well, isang ad hoc measure ko ay ang palitan ang aking domain name,kaso wala akong maisip na magandang ipalit. Naubusan na kasi ako ng ideya sa kasusunog ng kilay, nasama na siguro pati utak. Pero kelangan ko talagang palitan dahil magiging "cliche" nalang ang pangalan ng site ko sa kadahilanang nakuha na ang ideyang ito ng iba.

At yun nga, kinuha ko ang ideyang ito mula sa Zanortean Website, ang Ambibo.com.




Heheheh, saan kaya nila galing yang ideya nila na Ambibo? Siguro, galing yan kay Lando Bibo, sikat na tawag namin sa aming butihing gobernador (at ng benefit program niya sa mga mahihirap) na siyang nagpasimula ng lahat ng kabibuhan namin ngayon dito sa Zanorte. Siya ang nagpasimula ng festival namin na Hudyaka Zanorte. Sa kanyang pangalan din nauso ang ipinalayaw namin sa aming probinsiya: ang salitang Zanorte.




Kaya halata naman eh, kay Gobernador Rolando Yebes hango yang ambibo. Siguro, ang ibig sabihin ng Am- diyan sa salitang Ambibo ay hndi lang iyong madals natin banggitin na "Ambibo!" (pinaikli ng "ang bibo") kundi ang ibig sabihin niyan ay American Bibo. Worldwide kasi ang website at halatang may correspondents sila sa Chicago. How cute! Diyan din nagtratrabaho ang mga relatives ko especially my Uncle Boy and Auntie Lea ^_^

Eh di ko naman pwedeng kunin rin ng buo ang domain name ng Ambibo.com at baka mademanda pa ako ng plagiarism. Naisip kong gawin ko nalang "ambobo" ang domain name ko dahil di naman ako bibong tao. Bobo pwede pa ^_^. Atsaka, ang tema ng blog ko ay ang mang-kritisays (criticize ha, baka maguluhan kayo) at sa pagkrikritisays ay siyempre ang huhusgahan mo eh yung mga bobo ng lipunan, showbiz, ng society atbp. O di ba, Ambobo nga?


kaya yan, me bagong domain na ako. Welcoming bash para sa aking bagong domain...




http://ambobo.tk ^_6

4 comments:

madjik said...

am I at the right site?? hehehehe.
Bagong renovate pala tong haybol mo.
at huwaw sa look huh!!..
happy decorating!!:p

Bro. Benjie De Jesus Dael said...

CongRtaz franz for having a new website hope dat ul use it ryt

btw, please look at my latest dvelopments 2, here http://dipologcomitium.blogspot.com/

Thanks.

Francis said...

Hello po, kapatid na magic

Simpleng blog lang po, di ko kasi type na maglagay ng blogskin kasi naguguluhan ako.

God bless! ^_^

louie said...

gaya gaya puto maya hehehehe